LP-Luma (Old)
Posted by Willa on October 8, 2008 under Bit's N PiecesMagandang araw mga ka-LP!,as usual araw na naman ng huwebes,ibig sabihin araw na naman ng paglathala ng lahok para sa LitratongPinoy. At ito ang aking larawan para sa lingong ito na sa aking palagay ay tugma para sa ating paksa na Luma.(Litrato ko sana ang ilalagay ko dahil feeling luma na rin naman ako,pero sa susunod na lang kapag ang kategorya eh, Antique). 
Ang larawan sa ibaba ay lumang perang papel ng Pilipinas na ang halaga ay dalawang piso,matagal na itong wala sa sirkulasyon at kung hindi ako nagkakamali,huli akong nakatanggap ng ganitong pera bilang pamasko ay nuong ako ay nasa Grade 2 pa,at sigurado akong hindi ito ang nasa larawan,dahil nuong panahon na iyon ay pwede pa itong gastusin
,sa sobrang luma at tagal na rin nito sa aking pitaka,nakalimutan ko na kung sino ang nagbigay nito sa akin.

Ito namang isang larawan ang lumang pera din dito sa Canada na ang halaga naman ay CA$2. Nalaman ko lang na wala na rin pala ito sa sirkulasyon nuong ako ay dumating dito sapagkat ang kanilang CA$2 na ginagamit ngayon ay coins na. Binigay ito sa akin ng aking pinsan bilang souvenir nuong unang taon syang dumating dito.

Pinag-iisipan ko pa kung may mga halaga pa ito kapag ibinenta ko sa e-Bay! 





on
on













Proud Filipina expat in Canada. This blog is about my journey in life, together with my husband and my two kids who happens to be the love of my life as we travel the road,one step at a time.

























uyy..na-miss ko na yang P2 na papel.paborito ko yan nung bata pa ako
uy astig! si Dr. Jose Rizal.
wow naalala ko tuloy nung bata pa ako
kapag pumipila kami pang-aguinaldo, tig 2-pisong papel na bago lagi ang pinamimigAY
Oy ang galing! Na miss ko na yang P2 na yan!
Mine is up!~
magandang koleksyon ito!
Ako rin, na-miss ko na yang P2 na yan… sandali, bakit ko ba inamin yon… mahahalata tuloy ang edad ko…hehehe! Mayroon ka rin ba nang malaking Piso at mamera?
AY!!!!!!!!!!! OO nga noh!!!!!!!! grrrrrrr!!!!!
di ko naisip ito
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista

Salamat sa pagbisita
Ayos sa mga lahok ha - pareho pang amount ng pera pero magkaibang bansa galing… that’s composition for you!
Oo nga, baon ko din noon yung perang Rizal.
uy, nakahawak din ako ng P2 nung ako ay bata bata pa; at yung Canadian dollar, halatang antigo dahil bagets pa ang picture ni Queen Elizabeth!
I like your entry
yang 2 pesos na yan ang baon ko nung elementary din ako. nakakabili ako ng chippy, pop, at serg at may sukli pa ako pambili ng tarzan.
great entry
Naabutan ko pa yanm, elementary din ako! napapagalaman ang magkakabatch! hehe great entry!
Happy LP!
ang galing ha. nice entry!
wow! lumang pera pero bakit hindi ko matandaan yan, siguro wala akong pera noon, hehehe..salamat sa pagbisita mo sa site ko. By the way nasa Guelph Ontario ako nakatira sa bahay ng kapatid ko, one year palang ako dito, itong kapatid ko mag 20 yrs na Canadian din ang asawa, ang mother at kapatid kong lalaki mag 8 yrs na sila dito. Member din sa litratong pinoy itong kapatid ko ladynred or agring ang ginagamit niyang name. God bless!!!
uy, meron din ako niyan… kasama sa mga collection ko.
Eto ang aking lahok. Salamat po.
Naalala ko pa yang bill na 2 pesos…ibig sabihin ba nun, antigo na rin ako? Hehehe…
Salamat sa pagdalaw sa LP ko! Maligayang araw!
naku, nung bata pa ako, kapag me ganyan ako, marami akong pera nun